|
|
|
buntong hininga
susmaryosep! 'di maiwasang bulalas... sa mga nakakairitang pagsumbat ako na naman ang mali? ako na naman ang may kasalanan?
sige na.. kung sa pag-sisi sa akin dahil sa inyong kahinaan ang makakapagpagaan ng kalooban at sa paratang na ako ang dahilan ng sakit na naranasan.
mapapakamot nalang sa ulo ganyan talaga...ano pa nga ba?
TO MY AUDIENCE OF ONE I come on my knees And I lift these songs To my audience of one To my audience of one
MIRROR
I HAD A DREAM... Di ko na maalaala kung kailan basta sa lahat yata ng dream ko eh ito yung pinakamasakit... pero 'di naman masakit talaga... ang sakit nga lang huminga... alam mo yun? yung magigising ka sa sakit ng dibdib mo... sobrang sikip... sobrang sakit...
sige na nga... kwento ko nalang...
kakapikit ko palang, 3:17 am... nakita ko ang sarili ko na nakaupo sa harap ng isang pintuan ng isang gusali...hindi ko nakita ang kabuuan ng gusali, basta nasa labas lang ako..tapos madilim sa harapan ko...may bangin... sa harap ko may hanging bridge...pero kalahating parte lang ang nakikita ko...hindi ko makita ung dulo sa sobrang dilim...pero sa gawing kanan ko may pinto din...at may nakatayong lalake na di ko maalala ang mukha...basta naka-uniporme siya...sundalo ata...pinipilit niya akong abutin para itawid sa kabilang bahagi ng bangin...sa harap niya...may hanging bridge din...at kita ko ang kapatagan sa kabilang dako...ngunit sa hindi maintindihang kadahilanan eh hindi ako makatayo...hindi ko maiabot sa kanya ang kamay ko...pakiramdam ko hinang-hina ang mga tuhod ko...
tapos bigla nalang... nakita ko ang sarili ko na nasa loob na ng kuwarto ng pintung nasa likod ko...at sa loob ng kuwartong iyon ay may isang pinto papunta sa kuwarto ng pintuang nasa gawing kanan ko nung nasa labas ako at naka-upo... hindi ko maintindihan.... parang nakita ko ata lolo ko... o kamukha lang niya... sabi niya..."nandiyan na ba sila?" (para bang may sumusundo sa kanya o sa amin)... ....hindi ko nga alam kung rehab ba o ospital ang kinalalagyan namin... bigla...
...nasa labas na ako ng pinto... ang daming taong nagnanais makatawid sa kabilang bahagi ang bangin pero magulo...di ko na makita ang dalawang hanging bridge... bigla nalang lahat ng tao ay nagsitalon sa bangin... at umapaw ang bangin ng katawan ng mga taong nagsitalon... pero buhay sila... mistula bang ang mga nasa ilalim ay nagtutulungan upang maiangat ung mga taong nasa ibabaw para makatawid sa kabila...
at nakita ko nalang ang sarili ko...na nasa kabilang bahagi na ng bangin... wala na yung sundalong nagnanais magtawid sa akin.... magulo...lahat ng tao ay nagtatakbuhan... may nagdatingang mga rescue team... tulungan hanggang maiahon lahat ng tao... pinagmasdam ko ang paligid...parang nasa base camp kami ng mga sundalo...alala ko... yung parang malaking gym...pinagdalhan sa mga taong na-rescue mula sa bangin... pumasok ako sa loob...may hinahanap ako...
at nakita ko siya... yung sundalong una kong nakita sa simula ng panaginip ko...
nakaupo...nakatingin sa kawalan... sa tabi niya ay may isang lalaking parang nagbabantay sa kanya... sa hindi ko maipaliwanag na pagkakataong iyon ay lumapit ako at umiiyak na niyakap siya...sambit ang mga katagang..."i thought i lost you"...
anak ng...! pambihira! napa-ingles pa!
pero ang gulo talaga! pano ba naman eh...nalaman ko na bulag siya!!!! tapos may isang lalaking naka-uniporme ang lumapit sa amin...at inakay siya...para bang alam na niya ang gagawin sa kanya...kumalas siya sa pagkaka-yakap niya sa akin...wala akong nagawa kundi pagmasdan sila ng lalaking umaakay sa kanya papalayo papunta sa helicopter na nag-aabang sa labas ng gym...
...at kahit na medyo madilim...at abot tanaw ko nalang siya...nakita ko nung bumigkas siya ng mga kataga...na parang bang kay lakas kahit binigkas niya lang ng pabulong...sa pagkakataong iyon alam ko...ako na lang ang nanduon...nakatanaw sa kanya...sa gitna ng gabing maulan...umiiyak...
narinig ko ang ang mga katagang kanyang binitiwan kasabay ng pagpatak ng luha at ulan... "i'll come back for you."
pambihira talaga! sino ba may gawa nung script at ingles pa! sabay napabalikwas na lang ako sa pagbangon mula sa aking kama dahil sa tindi ng sakit ng dibdib ko... 3:47am palang ah!
di talaga ako makahinga...
hindi ko tuloy alam kung dahil ba sa bigat ng drama nung panaginip ko...
o dahil maski sa panaginip di ko aakalaing...
mapapa-Ingles ako!
o, wag niyo nang pangaraping i-interpret ito ha...dahil ginawa na ni sosoy... wala lang ako mailagay na bago kaya napakuwento ako...
IN GRIEF? When sorrows come, they come not single spies, but in battalions...
Let Me Know
I'M BLUE?! |
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Thursday, February 16, 2006 |
He deals the cards as a meditation
And those he plays never suspect
He doesn't play for the money he wins
He doesn't play for the respect
He deals the cards to find the answer
The sacred geometry of chance
The hidden law of probable outcome
The numbers lead a dance
I know that the spades are the swords of a soldier
I know that the clubs are weapons of war
I know that diamonds mean money for this art
But that's not the shape of my heart
He may play the jack of diamonds
He may lay the queen of spades
He may conceal a king in his hand
While the memory of it fades
I know that the spades are the swords of a soldier
I know that the clubs are weapons of war
I know that diamonds mean money for this art
But that's not the shape of my heart
That's not the shape, the shape of my heart
And if I told you that I loved you
You'd maybe think there's something wrong
I'm not a man of too many faces
The mask I wear is one
Those who speak know nothing
And find out to their cost
Like those who curse their luck in too many places
And those who smile are lost
I know that the spades are the swords of a soldier
I know that the clubs are weapons of war
I know that diamonds mean money for this art
But that's not the shape of my heart
That's not the shape of my heart
alien yan eh! ![]()
|
Sunday, January 29, 2006 |
maraming bagay ang nagpapasaya sa akin sa tuwing umuulan....
ngunit sa pagkakataong ito...ay hindi ko mahagilap kung saang dako sa aking katauhan nagkubli ang magagandang bagay na iyon...alam ko...pero hindi ko maramdaman.
bagkus ay hindi ko maiwasang pagtampisaw sa sakit at luha dulot ng pagkawala ng isang minamahal....
na ang tanging naisin...
ay ang ulan...
hindi ko lubos maisip na sa isang iglap ay mawawala ang isang nilalang na ang tanging naisin lang ay ang pangalagaan ang lupang sa kanya'y biyayang inilaan...
batid ko sa aking puso na ang lahat ay may dahilan...
sa mga panahong ito lang ang nangingibabaw...
ninais niya ang ulan...
at ito'y dumating...
hindi upang mamasdan ang pagpatak nito sa lupang kanyang minahal at buong buhay na inalagaan...
ninais niya ang ulan...
at ito'y dumating...
...sa kanyang libing...
sa alala ng aking pinakamamahal na tiyo andres
| Next Page |
|
|
|
|
|